Lasma
Ano ba ang meron sa Ynares Center sa Antipolo?
Dehins ko alam kung may sumpa, may malas or plain coincidence na marami nang na-injure sa venue.
At dehins ordinary injuries.
Si Kevin Alas na lang kamo na nagkaroon ng ACL injury sa Antipolo venue.
Dehins once, dehins twice pero thrice nung 2018, 2019 at 2023.
Sumubok na nga ng pamahiin na tinuro daw sa kanya ni Kiefer Ravena. Nagbuhos ng alak sa court.
Ngayon ko lang nadinig yun.
Pero kelan lang, si DeQuan Jones naman, ang NLEX import, ang na-injure sa parehong venue.
Laylay at bale ang ankle ng import. Nakakakilabot tingnan sa TV.
Dalawang operasyon ang kailangan at mukha naman he will recover.
May ilan pa na na-injure sa Ynares sa Antipolo gaya nila Ed Daquioag, Isaac Go and of course, si Eugene Tejada nung 2006.
Sana wala na ulit ma-injure sa Antipolo.
Baka kailangan ipa-bless.
- Latest
























