NBA star Dwyane Wade dinumog sa Manila

MANILA, Philippines — Dinumog ng Pinoy fans si NBA star Dwyane Wade na kasalukuyang nasa Manila para sa kanyang Tadhana: Make Your Own Way Manila Tour.
Pagbaba pa lamang ng eroplano, isang matatamis na ngiti at mainit na pagsalubong ang naranasan ni Wade mula sa mga Pinoy fans.
Kaya naman hindi maitago ni Wade ang saya na maramdaman ang Filipino hospitality.
“Just coming here, just looking into people’s eyes, like it’s real, you know, I heard it and then you have to feel it,” ani Wade.
Hanga rin si Wade sa pagmamahal ng mga Pilipino sa basketball.
Madalas lamang itong naririnig ni Wade sa mga kapwa NBA stars nito na naranasan na ang Pinoy basketball fans.
“I think that’s the exciting and the nervousness when all of the feelings and emotions is what I feel, because everything that everyone said about the Philippines and they’ve said about the sport and they’ve said about myself,” ani Wade.
Kaya’t nang mismong maranasan ito ni Wade, napatunayan nito ang mainit na pagmamahal ng Pinoy basketball community.
Bumisita rin kahapon si Wade sa UAAP men’s basketball games sa Araneta Coliseum para masaksihan ang Pinoy basketball style.
- Latest



















