^

PSN Palaro

QC may puwesto na sa East Zone

-

MANILA, Philippines- Inangkin ng Quezon City ang karapatang kata­wanin ang East Zone pero anim na koponan ay kaila­ngan namang dumaan sa playoff ngayon para made­termina kung sino ang lulu­sot sa kanilang grupo sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship.

Napapaboran naman ang Mandaluyong, Antipolo at Caloocan dahil sila ang magtataglay ng twice to beat advantage sa mga ma­kakalaban sa playoff na gagawin sa iba’t ibang lugar. Kalaro nga ng Mandaluyong ang San Juan sa Mandaluyong City sa na alas-6 ng gabi para sa Central Zone habang ang Antipolo ay makikipagtuos sa Taytay sa alas -6 ng gabi sa Robinson’s Homes sa Antipolo para sa West Zone.

 Ang Caloocan naman ay babangga sa Valen­zuela para sa North Zone. Ang Mandaluyong ay mayroong 5-1 karta habang nasa ikalawang puwesto ang San Juan sa 4-2.

 May magkatulad na 4-2 baraha ang Antipolo at Taytay pero nanalo ang una sa huli sa kanilang naunang pagtutuos para makuha ang bentahe haban ang Caloocan ay nakuha ang bentahe sa Valenzuela ka­­hit may iisang 3-3 karta dahil tinalo na rin nila ang makakalaban.

Kakalabanin naman ng Muntinlupa (4-2) ang Las Piñas (3-3) sa ganap na alas-3 ng hapon sa Muntinlupa Sports Complex at Taguig (3-2) at Pasay (4-1) sa 6 pm sa Ligid-Tipas Covered Court sa Taguig para sa South Zone. 

ANG CALOOCAN

ANG MANDALUYONG

CALOOCAN

CENTRAL ZONE

COCA-COLA HOOPLA

EAST ZONE

LAS PI

LIGID-TIPAS COVERED COURT

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with