^

PSN Palaro

POC naghahanap ng kapalit ni Loyzaga

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Naghahanap ngayon ang Philippine Olympic Com­mittee (POC) sa magi­ging kahalili ng naunang itinalaga bilang Chief of Mission at kasalukuyang Philippine Sports Commission (PSC) commissioner na si Chito Loyzaga.

Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr., napag-usapan na ng mga opisyal ng samahan na maghanap ng makakapalit ni Loyzaga matapos itong maitalaga bilang executive director ng PSC kahalili ng nagbitiw na si Dina Bernardo.

“Para huwag mahirapan si Commissioner Loyzaga, hahanap ng isa pang CDM para may kakatulong si Dr. Sim (Chi Tat). Dalawang venue ang gagawin sa SEA Games kaya’t kailangan ang dalawang CDM,” wika ni Cojuangco.

Si Loyzaga ang naunang inilagay pero tinanggap nito ang pagkakanombra sa kanya bilang ED ng PSC na siyang mangangasiwa sa pang-araw-araw na pagtakbo ng Komisyon.

Sa ngayon ay may napu­pusuan na si Cojuangco para sa puwesto pero ayaw niya pang pangalanan nito.

Criteria sa uupo ay kaila­ngang may oras siya na ibi­bigay sa puwesto dahil kailangang mula ngayon hanggang matapos ang SEA Games ay mahaharap niya ang mga responsibili­­dad na pag-aasikaso sa mga atleta.

vuukle comment

CHI TAT

CHIEF OF MISSION

CHITO LOYZAGA

COJUANGCO

COMMISSIONER LOYZAGA

DINA BERNARDO

DR. SIM

JOSE COJUANGCO JR.

PHILIPPINE OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with