Pasay sumalo sa liderato sa 2nd Coca-Cola Hoopla

MANILA, Philippines - Kinabig ng Pasay ang ikaapat na sunod na panalo nang pataubin nila ang nagdedepensang Muntinlupa, 90-73, sa pagpapa­tuloy ng Inter-City phase ng 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship nitong Lunes sa Muntinlupa Sports Complex.

Kumana ng tig-20 puntos nga sina Gio Ramos at Kenneth de Vega para sa Pasay na hawak ni coach Cholo Martin.

Ang panalo ay nag­resulta para makasalo ang Pasay sa liderato sa Mandaluyong, Quezon City at Antipolo sa ligang bukas para sa mga manlalarong hindi kasama ng varsity teams ng iba’t-ibang paara­lan sa bansa.

Nanalo naman ang Ta­guig sa Parañaque, 87-66, sa isa pang laro.

Ang Mandaluyong ay nangunguna sa Central zone sa 4-0 karta habang nakasunod sa kanila ang San Juan (3-1), Makati (2-3) at Manila (0-5).

Ang Quezon City na suportado ni Vice Mayor Joy Belmonte (4-0) ang lider sa East.

Show comments