^

PSN Palaro

So, Paragua kumakasa pa sa 10th ACI chessfest

-

MASHHAD, Iran--Umiskor si GM Wesley So ng magkasunod na panalo laban kay IM Sundar Shyam ng India at kababayang sit GM John Paul Gomez para mapalakas ang kanyang kampanya sa 10 h Asian Con­tinental Individual chess championships dito sa Hotel Pardisan.

Hangad makuha ang isa sa apat na tiket para sa 2011 World Cup sa Khanty-Mansiysk, Russia, itinaas ni So ang kanyang iskor sa 4.5 points mula sa kanyang tatlong panalo, tatlong draws at isang talo.

Sa kabuuan, isang puntos ang agwat ng 17-anyos na pambato ng Bacoor, Cavite kay solo leader Yu Yangyi ng China at kalahati naman kina GMs Bu Xiangzhi ng China, Pentala Harikrishna at Krishna Sasikiran ng India at Elshan Moridiabadi ng Iran patungo sa dalawang rounds. Winalis rin ni GM Mark Paragua ang kanyang mga laro kina IMs Gurathi Santosh Vidit ng India at Kaiqi Yang ng China para sa kanyang 4.5 points at makatabla si So at apat pang iba sa sixth hanggang 13th places.

Tinalo naman ni IM Oliver Barbosa si IM Javad Alavi ng Iran at nakipag-draw kay top seed GM Rustan Kasimdzhanov ng Uzbekistan para sa kanyang 4.0 points.

vuukle comment

ASIAN CON

BU XIANGZHI

ELSHAN MORIDIABADI

GURATHI SANTOSH VIDIT

HOTEL PARDISAN

JAVAD ALAVI

JOHN PAUL GOMEZ

KAIQI YANG

KRISHNA SASIKIRAN

MARK PARAGUA

OLIVER BARBOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with