^

PSN Palaro

Gabica tutumbok sa main draw

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Hindi pa rin nawawala ang husay ng 2006 Doha Asian Games gold meda­list Antonio Gabica kung paglalaro ng pool ang pag-uusapan.

Pinawi ni Gabica ang ti­namong kabiguan sa qualifier 1 nang mangibabaw sa 17-anyos na kababayan Hushley Jusayan, 9-4, sa qualifier 5 ng 2011 World Ten Ball Championship na ginanap nitong Huwebes ng gabi sa Star Billiards Center.

Ikalawang pagkakataon na napasok si Gabica sa finals pero naibaon na niya sa limot ang kabiguang tinamo sa kababayan ding si Allan Cuartero na siyang unang Pinoy na lumusot sa Stage 2.

Nakitaan man ng husay ng paglalaro si Jusayan, hindi naman umubra ito sa karanasang taglay ni Gabica na isa sa apat na atleta na bansa na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Doha Asiad.

Kinailangang dumaan sa qualifying round si Ga­bica dahil hindi na ito ga­anong aktibo sa paglalaro matapos makakuha ng trabaho sa Qatar.

“Nagmamadali ako nang kinalaro ko si Cuartero kaya ngayon ay mas naging maingat ako at mas nagpakita ng pasensya at diskarte sa laro. Ma­rami pang dapat na gawin sa laro ko dahil hindi ako nakakasali masyado dahil may trabaho ako sa Qatar at doon na nakabase,” wika ni Gabica.

Minalas naman uli si Jonas Magpantay nang mabigo kay Lu Hui Chan ng Chinese Taipei, 9-8, sa qualifier 6.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nabigo si Magpantay na makapasok sa tournament proper dahil sa isang Taiwanese player.

Si Yang Ching Shun ang unang Chinese Taipei cue-artist na nanalo kay Magpantay na nangyari nitong Miyerkules sa 9-2 iskor.

Humabol nga ang 17-anyos na si Magpantay buhat sa 5-8 iskor at itinabla ang laro matapos ang 16th rack. Nagkaroon siya ng pagkakataon na manalo sa 17th at huling game pero hindi niya makuhang ipasok ang mahalagang 9-ball.

May malinaw na tira nga si Magpantay sa 9-ball pero naisablay niya ito at ang pagkakamaling ito ay hindi na pinakawalan pa ni Lu.

Apat na puwesto na lamang ang paglalabanan sa huling dalawang araw ng qualifying event na ito dahil sa Mayo 10 hanggang 15 ay lalarga na ang aksyon sa main draw na katatampukan ng 128 manlalaro mula sa 44 bansa. 

ALLAN CUARTERO

ANTONIO GABICA

CHINESE TAIPEI

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES

GABICA

HUSHLEY JUSAYAN

JONAS MAGPANTAY

LU HUI CHAN

MAGPANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with