Manila, Philippines - Didribol simula ngayong araw ang 2nd Coca-Cola Hoopla sa iba’t ibang venues sa 21 siyudad sa National Capitol Region, kasama ang defending champion Muntinlupa.
Kabuuang P500,00 ang nakalatag para sa nasabing grassroots-to-the-core project na inilunsad ni JB Baylon, ang PBA Powerade Tigers governor at director for Public Affairs & Communications ng Coca-Cola Export Corp., kung saan ang P250,000 ay mapupunta sa NCR champion.
Nasa NCR-East zone ang Quezon City, Marikina, Pasig at Pateros. Ang NCR-West ay binubuo ng Taytay, Cainta, Binangonan at Antipolo. Ang NCR-North ay kinabibilangan ng Malabon, Navotas, Valenzuela, at Caloocan at nasa NCR-South ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay at Taguig.
Nasa NCR-Central ang Manila, Makati, Mandaluyong at San Juan.
Ang Tatlong levels of competition ay ang Intra-City, Inter-City at Inter-Zonal. Ang magiging Inter-City champion ang kakatawan sa kanilang zona sa Inter-Zonal para madetermina kung sino ang magiging 2011 NCR titlist.