^

PSN Palaro

3rd Win Pakay ng Ironmen, Elite ni ATan

-

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang hahagipin ngayon ng Cobra Energy Drink at Black Water Elite sa pagbabalik aksyon ng PBA D-League Foundation Cup sa Ly­ceum Gym.

Pilit na isasantabi ng Ironmen ang tatlong linggong pamamahinga sa pagharap sa Max Bond Super Glue na mangyayari matapos magtuos ang Elite at Pharex sa ga­nap na alas-2 ng hapon.

Ikalawang pagkakataon na magtatapat ang Elite at Bidang Generix sa torneong ito at pakay ng bataan ni coach Leo Isaac na makabawi sa tropa ni coach Carlo Tan nang lasapin ang 90-100 kabiguan noong Marso 17.

Dalawang sunod na panalo ang ki­nuha ng Elite sa mga koponan ng RnW Pa­cific Pipes (72-69) at Freego Jeans (104-81),upang masaluhan ang Pharex sa ikalawang puwesto sa Group A sa 2-1 baraha.

Makakaasang bibigyan sila uli ng matinding laban ng Pharex dahil hangad ng mga ito na makabalik sa pagpapanalo matapos matikman ang dalawang dikit na pa­nalo na nagwakas sa kamay ng PC Gilmore, 97-99, sa huling laro.

Ang Ironmen ang natatanging koponan na hindi pa natatalo sa 13-koponang liga matapos talunin ang 78-70 panalo sa May­nilad at 86-73 tagumpay sa Junior Powerade.

Pero ang huling laro ng koponan ay nangyari noon pang Marso 24 ngunit hindi nagpabaya ang Cobra dahil ginamit nila ang pamamahinga para mas mapag­handaan ang Max Bond.

May 1-1 karta ang tropa ni coach Alf­redo Jarencio at kuminang nga sila sa hu­ling laban sa Café France, 83-62, na nang­yari naman noon pang Marso 29.

vuukle comment

ANG IRONMEN

BIDANG GENERIX

BLACK WATER ELITE

CARLO TAN

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FREEGO JEANS

GROUP A

MARSO

PHAREX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with