Hontiveros hinugot ni Toroman para sa Champion's Cup
MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si Air21 team manager Allan Gregorio sa kagustuhan ni Smart Gilas coach Rajko Toroman na makuha ang serbisyo ni Dondon Hontiveros para sa koponang kakampanya sa FIBA Asia Men’s Championships na qualifier sa London Olympics.
Si Hontiveros ay pinangalanan ni Toroman kasama nina Kelly Williams at Jimmy Alapag ng Talk N’ Text at Paul Asi Taulava ng Powerade para palakasin ang kasalukuyang koponan na naglalaro sa PBA at nakapasok pa nga sa semifinals dahil sa tulong ng 6’9 American naturalized player na si Marcus Douthit.
“Mr Bert Lina’s philosophy is always flag above everything. I’m sure he’ll be glad and proud to release Dondon to the national team,” wika ni Gregorio.
Bago naupo bilang team manager ng Air21, si Gregorio ay kasama sa Smart Gilas bilang isa sa mga assistant ni Toroman.
Ang apat na manlalarong ito ay dati na ring nakapanilbihan sa national team na naglaro sa mga FIBA competitions kaya’t hindi na mangangailangan sila ng malaking adjustments kung istilo sa international play ang pag-uusapan.
Nais ni Toroman na makuha na ang mga manlalarong ito sa kanilang mother teams para makasanayan ang mga ipinaiiral na plays.
Wala namang nakikitang problema si PBA commissioner Atty. Chito Salud sa bagay na ito.
- Latest
- Trending