^

PSN Palaro

3 gold nilangoy ni Echavez sa PRISAA

-

ZAMBOANGA CITY , Philippines  - Napanatili ng Central Visayas swim­mer na siLorendale Echa­vez ang kanyang winning form at record-breaking performance nitong Lunes sa PRISAA Collegiate Natio­nal Games at palakasin ang kanyang kampanya sa pagkulekta ng limang ginto sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex dito.

Kumampay ang 17-an­yos University of San Carlos standout ng record breaking na panalo sa wo­men’s 800 at 100-meter freestyle ng ginto, bago sinundan ito ng isa pang ginto sa 3-for-3 paglahok sa pool upang balikatin ang Central Visayas sa pagdomina sa 200 freestyle relay sa tiyempong 2:34 segundo.

Ang inilistang oras ni Echavez sa 800-m na 10:07:14 at sa 100-m na 1:00:09 ang siyang bumasag sa tatlong taong marka na 10:39.01 at 1:05.02 na na­itala rin dito nang maging punong abala naman ang Zamboanga sa naturang Games noong 2008 sa ikatlong pagkakataon.

Isa sa mahigpit na ka­laban ni Echavez sa pa­ramihan ng ginto ang pambato ng Region 4-A na si Jaevico Dalay, na pi­nalakas ang kanyang kampanya sa paghablot ng kanyang ikaapat na ginto sa 1,500 free (19:08.11) at 200 backstroke (2:28.04) para isama sa kanyang na­unang kinuha sa 400 in­dividual medley at 4x100 freestyle relay sa opening.

CENTRAL VISAYAS

COLLEGIATE NATIO

ECHA

ECHAVEZ

ISA

JAEVICO DALAY

JOAQUIN ENRIQUEZ MEMORIAL SPORTS COMPLEX

KUMAMPAY

SHY

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with