^

PSN Palaro

Pangasinan team babanderahan ni Quirimit sa Le Tour de Pilipinas

-

MANILA, Philippines - Sa hangaring maibalik ang kinang sa larangan ng cycling, bumuo ng matikas na koponan ang Pangasinan na ilalaban sa 2011 Le Tour de Filipinas mula Abril 16 hanggang 19.

Si dating Tour champion Arnel Quirimit ay isasama sa mga beternong sina Sherwin Carrera at Joseph Millanes na babandera sa Pangasinan na makiki­pag­tagisan sa mga pamba­tong locals at dayuhang ko­ponan.

Sa edad na 38, ipinakita ni Quirimit na may asim pa siya sa pagbibisikleta nang mapagharian ang da­lawang yugtong 2nd Tour of Hundred Islands sa Alaminos Pangasinan na kung saan tinalo niya sina Carrera at Millanes.

Ang tubong Pozzorubio, si Quirimit na 2003 Tour Pilipinas champion, ay naorasan ng 9 oras, 1 minuto at 54.92 segundo upang makuha ang P15,000 unang gantimpala.

“Pangasinan will always be a Mecca of cycling in the Philippines and our Tour de Hundred Islands is our way of discovering and helping more young talents fulfill their dreams and prepare them for national and international cycling events,” ani Alaminos mayor Hernani Braganza.

Maliban sa karera, na­ipakita rin ng kompetisyon ang magandang tanawin lalo na ang pamosong Hundred Island National Park.

Taong 2006 sinimulan ang kompetisyon at sa Setyembre ay balak uling mapatakbo sa nasabing ruta at ngayon pa lamang ay nakikipag-usap na si Bra­ganza sa Philcycling na ni Abraham “Bambol” To­lentino para mas mapaganda ang karera.

Nanalo naman sa team category ang Children Island para sa P50,000 premyo. Ang Lopez Island, Scout, Clave at Quezon Is­land ang pasok sa top 5 team.

ALAMINOS PANGASINAN

ANG LOPEZ ISLAND

ARNEL QUIRIMIT

CHILDREN ISLAND

HERNANI BRAGANZA

HUNDRED ISLAND NATIONAL PARK

HUNDRED ISLANDS

JOSEPH MILLANES

PANGASINAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with