^

PSN Palaro

Pumuputok pa si 'Dynamite' Danny

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging role pla­yer sa San Miguel, isa na ngayong star player si Dan­ny Seigle sa Air21.

At ipinakita niya ito nang pangunahan ang Express sa dalawa sa tatlong sunod na panalo para makasilip ng tsansa sa ikaapat at huling quarterfinals berth sa 2011 PBA Commissioner’s Cup.

“I’m drawn back into a bigger role and it’s not just my scoring. I have to rebound, play defense. It’s been a challenge and I just love going out there and compete,” sabi ni Seigle.

Sa kanyang mga avera­ges na 20.5 points, 12.0 re­bounds, 2.0 blocks, 1.5 assists at 1.0 steals, kinilala si Seigle bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week. Ito ang unang Player of the Week honor ng 1999 Rookie of the Year sapul noong 2008 Fiesta Conference.

Dinala ng San Miguel sina Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Peña at Paul Artadi sa Air21 kapalit ng mga bagitong sina Rabeh Al-Hussaini, Nonoy Baclao at Rey Guevarra noong Marso 2.

Ayon kay Seigle, wala siyang sama ng loob sa San Miguel Corporation na kanyang nabigyan ng anim na PBA championships.

Sa 110-101 panalo ng Air21 sa Meralco noong Miyerkules, tumipa si Seigle ng 18 points at 12 rebounds at nagtala ng 23 points at 12 rebounds sa 108-98 paggiba sa Powerade noong Linggo.

May 4-4 baraha ang Air21 katabla ang Rain or Shine sa ilalim ng Talk ‘N Text (8-1), Smart-Gilas (7-2), Alaska (5-3), Barangay Ginebra (5-4) at Derby Ace (4-5) kasunod ang mga talsik nang Meralco (3-6), Powerade (2-7) at San Miguel (1-7).

BARANGAY GINEBRA

DERBY ACE

DONDON HONTIVEROS

DORIAN PE

FIESTA CONFERENCE

MERALCO

N TEXT

NONOY BACLAO

PAUL ARTADI

SAN MIGUEL

SEIGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with