^

PSN Palaro

Sagot ni Romasanta sa TRO ni GTK: 'Walang epekto yan!'

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Walang epekto ang Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ni Judge Danilo Buenio ng Pasig City Regional Trial Court Branch 265 ka­hapon na hiningi ni Go Teng Kok na pangulo ng isang paksyon ng Philippine Karatedo Federation (PKF).

Ito ang sinabi ni Joey Romasanta, ang pangulo ng kabilang grupo sa PKF at spokesman ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang reaksyon sa pagkatig ng hukuman sa ini­hain ni Go.

Aniya, nakapagsalita na ang PKF at mananatili itong may epekto kahit pa nagpalabas ng TRO ang korte.

“Wala naman actually nagbago. The resolution of the true PKF board stays in effect,” wika ni Romasan­ta.

Noong Marso 28 nagtungo si Go sa korte para humingi ng TRO sa pagkilala ng POC kay Roma­santa bilang lehitimong pa­ngulo ng PKF.

Maliban kay Romasan­ta, kasama sa inireklamo ni Go ay sina POC president Jose Cojuangco Jr. at sec-gen Steve Hontiveros at ang mga ito ay hindi naman dumalo sa naunang pagdinig para sa TRO.

Umaalma si Go dahil hindi umano kumatig ang higit na mayorya ng PKF General Assembly sa bagay na ito kaya’t hindi dapat maging balido pag-upo ni Romasanta sa pam­pangu­luhan.

Nagdesisyon ang POC na kilalanin si Romasanta sa isang board meeting matapos magpasabi ang opisyal na magpapatawag siya ng PKF election na kanyang isasabay sa Philip­pine National Games sa Mayo sa Bacolod.

Nagdiwang naman si Go sa desisyong ito ng Korte dahil lumalabas na tama ang ipinaglalaban ng kanyang grupo.

Magkakaroon naman ng pagdinig sa kung sino ang dapat na maupo bilang lehitimong PKF prexy na sisimulan sa Abr. 18. 

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

JOEY ROMASANTA

JOSE COJUANGCO JR.

JUDGE DANILO BUENIO

NATIONAL GAMES

NOONG MARSO

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PKF

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with