BAGUIO CITY , Philippines --Isang traditional Ifugao ritual ang naging send-off ng Baguio City para kay Filipino boxing great Manny Pacquiao noong Huwebes ng gabi.
Ang pagpatay sa isang manok ang naging alay kung saan nakita ng isang Ifugao baki (hight priest) ang panalo ni Pacquiao laban kay Sugar Shane Mosley sa kanilang laban sa Mayo 7.
Binigkas rin ni Baguio City mayor Mauricio Domogan, isang true-blooded Igorot (Cordillera mountain people), ang indigenous “uggayam” para sa tagumpay ng boxing champion at ang pagdarasal kay Kabunian (Cordillera God) para sa mabilisang panalo ng Sarangani Congressman.
Hinawakan naman ni Pacquiao ang gong para sa isang Igorot traditional dance.
Ang pound-for-pound king ay nasa kanya nang 85 percent condition, ayon kay assistant trainer Buboy Fernandez, bago bumaba ang Team Pacquiao sa Maynila noong Biyernes ng umaga.
Dalawang linggong nagsanay si Pacquiao dito sa Summer Capital.
“Mabilis niyang nakuha ang magandang kundisyon,” sabi ni Fernandez kay Pacquiao.
Posibleng magsanay si Pacquiao sa Elorde boxing arena sa Manila para sa kanyang huling sparring bago magtungo sa United States para sa final stage ng kanyang training bago sagupain si Mosley.