Blazers sinunog ang Spurs

SAN ANTONIO — Sinamantala ng Portland Trail Blazers ang hindi paglalaro nina Tim Duncan, Manu Ginobili at Tony Parker para igupo ang San Antonio Spurs, 100-92.

Umiskor si Andre Miller ng 26 points para sa Blazers at ibigay sa Spurs ang ikaapat na sunod nitong kabiguan.

Bukod kina Parker, Ginobili at Duncan, hindi rin na­kalaro si Antonio McDyess.

Si Parker ay may left knee contusion, si Duncan ay may ankle sprain si Ginobili ay may left quad contusion at si McDyess ay may back spasm.

Nagdagdag si Gerald Wallace ng 14 points para sa panalo ng Portland.

Show comments