^

PSN Palaro

Phl Azkals tutulong sa relief operation sa Tacloban City

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang relief operation ang gagawin ng Philippine Azkals para sa mga biktima ng baha sa Tacloban City sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Ayon kay team manager Dan Palami, hihingin niya ang suporta ng mga Azkals, partikular ang mga tubong Pilipinas, na tumulong sa naturang relief operation.

“We feel very fortunate to survive the recent calamities,” ani Palami sa naranasang lindol ng Azkals habang naghahanda sa Gotemba, Japan at sa Rangoon, Myanmar para sa kanilang paglalaro sa group stage ng AFC Challenge Cup.

Isang magnitude 8.9 earthquake ang yumanig sa Japan noong Marso 19 na nag-iwan ng pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga Japanese sa Sendai City.

Isang magnitude 6.8 naman ang tumama sa Myanmar kamakailan.

“We’re thankful that despite all these, blessings continued to pour in. I am asking the guys to use this opportunity to help the victims of the recent flooding in Tacloban City and nearby towns,” sabi ni Palami.

Sa unang linggo ng Abril ay sisimulan na ng Azkals ang pagkakarga ng mga relief goods para sa Tacloban City.

“We will distribute them ourselves. I also ask the fans for their support if they want to be part of this activity,” sabi pa ng team manager.

ABRIL

AZKALS

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

ISANG

MYANMAR

PALAMI

PHILIPPINE AZKALS

SENDAI CITY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with