^

PSN Palaro

Celtics pinigil ng Memphis, Gasol nagbida sa panalo

-

BOSTON, Massachusetts--Tinalo ng Memphis Grizzlies, naghahangad ng isang NBA postseason berth, ang playoff-bound Boston Celtics, 90-87, tampok ang 11 points at 11 rebounds ni Mark Gasol.

Nagdagdag si Zach Randolph ng 13 points at 8 boards para sa Grizzlies at ipinagkait sa Celtics ang muli nitong pagsalo sa liderato sa Chicago Bulls para sa Eastern Conference.

Sa huling minuto ng laro, inagaw ni Gasol ang bola mula kay Boston shooter Ray Allen at isinalpak ang isang layup para ibigay sa Grizzlies ang 88-85 lamang.

Naimintis ni Gasol ang dalawa niyang freethrows sa huling 4.6 segundo ngunit tumalbog naman ang three-point attempt ni Paul Pierce para sa Boston na siya sanang nagtulak sa isang overtime.

Ang naturang tagumpay ang nagpalakas sa pag­hawak ng Grizzlies sa eigth at final playoff spot sa Western Conference.

May 40-32 win-loss record ngayon ang Memphis sa ilalim ng seventh-place New Orleans.

Nagdagdag naman si Leon Powe ng 13 points sa loob ng 17 minuto para sa Grizzlies.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz, 106-94; pinasadsad ng Orlando Magic ang New York Knicks, 111-99 at hiniya ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 100-94.  

BOSTON CELTICS

CHICAGO BULLS

DETROIT PISTONS

EASTERN CONFERENCE

GASOL

LEON POWE

MARK GASOL

MIAMI HEAT

NAGDAGDAG

NEW ORLEANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with