^

PSN Palaro

Azkals Nanganganib

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang 1-1 draw sa White Angels ng Myanmar noong Lunes, isang scorelesss draw naman ang nangyari sa laban ng Philippine Azkals at Palestine Fighters sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup kahapon sa Rangoon, Myanmar.

Kumpara sa 2 points ng Azkals dahilan sa kanilang 1-1 draw ng White Angels, may 4 points naman ang Fighters sa scoring system ng torneo mula sa kanilang 2-0 paggupo sa Bangladesh noong Lunes.

Ang top two matapos ang group stage ang siyang papasok sa tournament pro­per ng Challenge Cup sa susunod na taon.

Ginamit ng Fighters ang kanilang tangkad para dominahin ang Azkals sa first half.

Nagkaroon ng pagka­kataon ang Azkals na ma­kaiskor mula sa header ni Filipino-Spanish player Angel Aldeguer Guirado, pumalit sa may hamstring injury na si striker Phil Young­­husband, sa pang 62nd minute.

 Ngunit ito ay nasambot ng Palestinian goalkeeper.

 Napasakamay rin nina Filipino Emilio “Chieffy” Ca­ligdong at Fil-German Rob Gier ang tsansa na makalusot ng goal ngunit nagpakalat ng isang striker at limang midfield formation ang Fighters sa passing la­nes ng Azkals.

Ilang ulit namang tuma­ma sa crossbar ang sipa ng mga Fighters na lumusot sa depensa ni 6-foot-3 goalkeeper Neil Etheridge.

“Another good result so close to the W. Regretting not winning the first game! Well done everyone! Thank you for all the support,” sabi ng 23-anyos na si Etheridge sa kanyang Twitter account.

Sa hangaring makahu­got ng suwerte, tatlong Azkals ang pinalitan ni German coach Michael Hans Weiss sa dulo ng second half kung saan napilayan si Caligdong sa pang 88th minute.

Kailangan ng Azkals na manalo sa Bangladesh bukas para makakuha ng 5 points. 

ANGEL ALDEGUER GUIRADO

AZKALS

CHALLENGE CUP

FIL-GERMAN ROB GIER

FILIPINO EMILIO

MICHAEL HANS WEISS

MYANMAR

NEIL ETHERIDGE

SHY

WHITE ANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with