Pacquiao-Mayweather fight posibleng matuloy na ngayong taon

MANILA, Philippines -  Lalaban uli si Floyd May­weather Jr. sa taong ito at kasama sa posibleng makaharap niya si Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ng tiyuhin nitong si Jeff Mayweather nang nakapanayam ng Fighthype kamakailan.

“I’ve been talking to Floyd and there is a possi­bility of a fight,” wika ni Mayweather.

Idinagdag pa nito na na­kikipag-usap na ang wa­lang talong boksingero sa anak ni Nelson Mandela pa­ra makapagsagawa ng isang laban bilang paggunita sa ika-93rd kaarawan ng dating pangulo ng South African

“Of course, in the midst of that they’re also trying to make the fight between Floyd and Manny (Pacquiao). Right now, I’m kind of just talking to them and they are working to basically get a letter of intent for the fight to possibly take place,” dagdag pa nito.

Nangunguna ang naka­katandang Mayweather sa pakikipag-usap para matuloy ang nasabing mega fight.

“I’m negotiating with both sides and it’s just a matter now of sending a letter of intent to Manny and one to Floyd through me and see where it can go,” paliwanag pa ni Mayweather.

Kung mangyayari ang labang ito ay magaganap sa kalagitnaan pa ng taon dahil sasalang pa muna si Pacquiao kay Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Tama lamang ito dahil ang kaarawan ni Mandela ay sa Hulyo 18 at halos tatlong buwan na ito matapos ang sagupaan ni Mosley.  

Ang isa lamang posib­leng ikatagal ng usapin ay ang patungkol sa blood testing at ang paglaban ni Pacquiao sa South Africa na mangyayari sa unang pagkakataon sa kanyang makulay na boxing career.

Dalawang beses nang si­nubok na matuloy ang sa­gupaang katatampukan ng dalawang pound for pound champions pero nauudlot ito dahil sa kahilingan ni Mayweather na sumailalim sa walang humpay na blood testing ang Pambansang Kamao.

Show comments