Donaire-Moreno unification fight posible
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagkakaantala ng pagdedepensa ni Anselmo Moreno ng kanyang World Boxing Association (WBA) bantamweight crown laban kay Lorenzo Parra, lumakas naman ang tsansang maitakda ang kanilang banggaan ni bagong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight king Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr.
At posibleng mangyari ang unification fight nina Donaire at Moreno sa Mayo, kagaya ng gustong mangyari ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Tangan ni Donaire, tinalo si Mexican Fernando Montiel via second-round TKO para sa mga suot nitong WBC at WBO belts, ang 26-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs.
Bitbit naman ni Moreno ang 30-1-1 (10 KOs) slate at nasa bakuran ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya na interesado rin sa naturang Donaire-Moreno bout.
- Latest
- Trending