NEW YORK AP - Ito ang unang pagkakataon na nakaranas si Carmelo Anthony ng ganitong pagtanggap sa New York.
“It came down to basketball at that point,” sabi ni Anthony, nakatanggap ng palakpakan mula sa Knicks fans at video tribute bago humakot ng 27 points at 10 rebounds sa 114-108 panalo ng New York sa Milwaukee Bucks.
“This was ordinary for him, and that’s the highest compliment of what he does. You drop him in any place, any playground, any place in the world and he’ll put up 27 points and 10 rebounds,” sabi ni Knicks coach Mike D’Antoni. “That’s what he does for a living.”
Tumipa si Anthony ng 10-of-25 fieldgoals para tulungan ang Knicks matapos ma-fould out si superstar Amare Stoudemire.
Ang 27 points ni Anthony ang dumuplika sa third-highest scoring game sa isang Knicks debut sapul noong 1964 at 2 points lamang ang agwat sa 29 points ni Keith Van Horn noong Oktubre 29, 2003.
Nagdagdag naman si Chauncey Billups, nakasama ni Anthony mula sa Denver sa isang blockbuster trade, ng 21 points at 8 assists para sa Knicks na nasa isang three-game winning streak ngayon.
Sa Dallas, umiskor si Dirk Nowitzki ng 23 puntos upang imando ang Mavericks sa 118-99 panalo laban sa Utah, ilang oras matapos na i-trade ng Jazz ang kanilang leading scorer na si Deron Williams sa New Jersey Nets.
Sa iba pang laro, nanalo ang San Antonio sa Oklahoma Thunder, 109-105.