PBA pagmumultahin ang Solar TV ng P3M
MANILA, Philippines - Dahilan sa kabiguang isaere ng live ng Studio 23 ang laro ng Alaska at Powerade noong Miyerkules, pagmumultahin ng Philippine Basketball Association (PBA) ng P3 milyon ang Solar Sports.
“Their failure to air our first game Wednesday on a live basis was a clear breach of our contract. Our contract is the law and we will enforce it,” ani PBA Commissioner Chito Salud sa Solar Sports.
Ang Solar Sports ang official coveror ng PBA. Ngunit dahil sa ginagawang SolarTV reformatting ng SolarTv sa kanilang VHF Channel 9, napuwersa ang nasabing television outfit na pumasok sa isang block time agreement sa Studio 23, isang UHF (ultra high frequency) channel.
Ito naman ang inaprubahan ng PBA Board of Governors.
Halos alas-6 na ng gabi naipalabas ang laban ng Aces at Tigers sa Studio 23 bunga ng UAAP women’s volleyball championship sa pagitan ng La Salle Lady Archers at UST Tigress.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na naging delayed ang pagpapalabas ng Studio 23 sa PBA games.
Noong nakaraang Biyernes sa pagbubukas ng import-laced tournament sa Laoag City, hindi rin naisaere ang unang limang minuto ng laban ng Ginebra at Meralco dahilan sa satellite feed problem.
Samantala, dahilan sa pagkakaipit ni Alpha Bangura sa Lebanon, isang replacement import ang kaagad nahugot ng Express para sa kanilang laban ng Beermen.
Ibabandera ng Air21 si Jeremy Robinson laban sa San Miguel ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng PBA Philippine Cup champion Talk ‘N Text at Smart Gilas sa alas-5 ng hapon sa 2011 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.
Ang 6-foot-2 na si Robinson, nanggaling sa Hawaii, ay naglaro sa nakaraang Cebu City Mayor’s Cup Invitationals noong Enero para sa M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu Niños.
- Latest
- Trending