'Wag magkumpiyansa - Roach kay Julaton
MANILA, Philippines - Hindi magkukumpiyansa si World Boxing Organization (WBO) women's super bantamweight champion Ana "The Hurricane" Julaton laban kay challenger Franchesca "The Chosen One" Alcanter.
Ito ang payo ni trainer Freddie Roach sa kanyang Fil-Am fighter.
Itataya ng 30-anyos na si Julaton ang kanyang hawak na 122-pound title kontra kay Alcanter sa Sabado (Manila time) sa Craneway Pavilion, Port Richmond, California.
Nakuha ni Julaton ang bakanteng WBO super bantamweight belt via split 10-round decision laban kay Mexican Maria Elena Villalobos sa Ontario, Canada noong Hunyo ng 2010.
"Freddie was telling me that Alcanter is bigger and stronger," wika ni Julaton. "She has a good right hand and I have to be careful about getting hit with her counters.”
Ang 10-round championship na tinawag na `The Return of the Hurricane’ ay mapapanood mula sa Craneway Pavilion, Point Richmond sa California sa pamamagitan ng TV5 at Aksyon TV 41 mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ang magiging unang major sports offering ng Channel 41, ang newly-launched sports and news channel ng TV5.
Mapapanood rin ng mga boxing fans sa Metro Cebu at Metro Davao sa channel 29 ng Kapatid Network’s provincial station.
Bilang paghahanda, kinuha ni Roach si dating WBC lightflyweight champion Rodel Mayol para maging chief sparring partner ni Julaton.
Sakaling manalo kay Alcanter, ilang laban na ni Julaton ang nakalinya sa Abril sa Maynila at sa Hulyo sa Canada.
- Latest
- Trending