'Di tatagal ang laban: Magtatapos sa knockout, pero ako ang mananalo - Shane
MANILA, Philippines – BEVERLY HILLS - Ang inisyal na prediksyon ni Shane Mosley ay hindi magtatagal ang kanilang laban ni Manny Pacquiao.
“This is the type of fight that doesn’t last the distance,” wika ng 39-years-old American sa pagsisimula kahapon ng isang four-city, six-day press tour para sa kanilang May 7 fight ng 32-anyos na si Pacquiao.
Pinapili si Mosley kung anong round matatapos ang kanilang laban ni Pacquiao. Tumingin siya sa kisame.
“What round? Oh, I don’t know. But I don’t think it’s going the distance,” wika ni Mosley.
Kahit sa anong round matapos, sinabi ng dating world champion na magwawakas ito sa pamamagitan ng isang knockout.
Ngunit tiniyak niyang siya ang mananalo at magiging bagong WBO welterweight champion.
Iginiit ni Mosley na ang istilo ang gumagawa ng laban. At ang agresibong atake ni Pacquiao ang papabor sa kanyang kilos.
“He throws a lot of punches, and this will lead openings for me. It’s the way I move, the way I throw my punches. It’s natural. It’s not the African-American style that will beat him. It’s my style,” sabi niya.
Kaagad na naputol ang interview nang tawagin si Pacquiao sa stage.
“Here he is,” sabi ni Bob Arum. “The champion, Manny Pacquiao.”
“It’s the Beatles hairstyle,” sagot ni Pacquiao sa kanyang hairstyle.
- Latest
- Trending