^

PSN Palaro

Tradition at pride itataya ng Patriots vs Slammers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Maliban sa winning tradition ng isa sa team owners ng koponan, maipakita ang pride ng pagiging isang many-time Southeast Asian Games champion ang isa sa nakaatang sa ba­likat ng Philippine Patriots sa AirAsia ASEAN Basketball Lea­gue (ABL) Season II Finals.

Kalaban ng nagdedepensang kam­peon na Pa­triots ang lumakas na Chang Thailand Slammers sa best-of-three championship series na bubuksan sa Linggo sa Bangkok .

Nakuha ng Slammers ang karapatang hamunin ang Patriots matapos iuwi ang 73-62 panalo sa Singa­pore Slingers sa rub­ber match ng kanilang best-of-three semis series nitong Linggo sa Bangkok.

Mismong ang kanilang Thai-Filipino coach na si Raha Del Rosario Lortel ay ami­nadong maraming dapat gawin ang Slammers para maagaw ang titulo sa Pa­triots.

“We got to do a lot of homework as we face the Patriots in the Finals. But we are determined and will be ready for the challenge,” wika ni Lortel.

Angat ang Thailand kung head to head ang pag-uusapan laban sa Pi­lipinas sa regional basketball league na ito matapos kunin ang 2-1 karta sa triple round eli­mination. Papasok sila sa Finals taglay ang dalawang sunod na panalo sa Patriots kasama ang mahigpitang 76-83 double overtime na kabiguan sa Bangkok noong Enero 2.

Pero hindi naman natitinag si Patriots coach Louie Alas na aminadong kailangan nilang manalo upang mapangalagaan din ang winning tradition ni Mikee Romero ng Harbour Centre.   

BASKETBALL LEA

CHANG THAILAND SLAMMERS

HARBOUR CENTRE

LINGGO

LOUIE ALAS

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE PATRIOTS

RAHA DEL ROSARIO LORTEL

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with