Red Lions sinagpang ang Blazers

MANILA, Philippines - Tinalo ng 2010 runner up San Beda ang defen­ding champion St. Benilde, 2-0, para makisalo sa lide­rato sa 86th NCAA football competition sa University of Makati field.

Matapos ang ilang min­tis, ipinasok ni striker Roy Lanting ang isang goal sa 63rd minute kasunod ang isa pang puntos ni Francis Sumudivilla sa midcourt sa 20th minute para ibigay sa Red Lions ang import finals incentive.

Nakatabla ng Red Lions ang Blazers sa magkatulad nilang 12 points.

Tuluyan nang masosolo ng San Beda ang liderato kung tatalunin ang Perpetual Help Altas sa kanilang huling laro sa single-round elimination.

Binigo ng Red Lions ang tangkang ‘sweep’ ng Blazers.

Natalo ang San Beda sa CSB, 0-1, sa 2010 finals.

Sa iba pang men's match, binigo ng Arellano ang Perpetual Help, 13-1, para makasalo ang Emilio Aguinaldo sa third spot sa magkapareho nilang 1-1-2 (win-loss-draw) slates.

Show comments