^

PSN Palaro

Orcollo kampeon sa Derby Classic 9-Ball

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Lumabas uli ang tikas ng paglalaro sa 9-ball ni Dennis Orcollo para hiranging kam­peon sa Derby City Classic 9-Ball division na nilaro sa Horseshoe Casino, Elizabeth, Indiana, USA.

Pinataob ni Orcollo ang hamon ni Sha­ne Van Boening sa finals, 7-2, para makuha ang kanyang unang major win sa taong 2011.

Isang gold medalist sa 9-ball sa 16th Asian Games sa Guangzhou China no­ong nakaraang taon, hindi binigyan ni Or­collo ng anumang kumpiyansa ang US player nang umabante agad sa 5-0 sa race to seven finals.

Narating ni Orcollo, isa ring World Mas­ters Champion noong 2010, ang finals nang pagpahingahin si Mika Immonen ng Finland, 7-1, habang nanaig naman si Van Boening kay Niels Feijen sa dikitang 7-6, sa semifinals.

Ang tagumpay ay nagkahalaga ng $16,000 para kay Orcollo na pararangalan din ng Philippine Sportswriters’ Association (PSA) bilang isa sa apat na Athletes of the Year,

Halagang $8,000 naman ang naibus­la ni Van Boening na lumabas pa rin bil­ang pinakamahusay na player sa 2011 Der­by City Classic matapos hirangin bilang kampeon sa Master of the Table title.

Sa pagpasok ni Van Boening sa 9-ball Finals ay nahigitan niya ang nakuhang mga puntos ng isa pang Filipino cue artist na si Alex Pagulayan para sa pinakaprestihiyosong titulo sa Derby City Classic.

Nag-uwi si Van Boening na nagkam­peon din sa One Pocket division, ng halagang $20,000 habang si Pagulayan na na­nalo sa Banks Division, pero pumang-si­yam lamang sa 9-ball, ay nalagay sa ika­lawang puwesto para sa $3,000.

ALEX PAGULAYAN

ASIAN GAMES

ATHLETES OF THE YEAR

BANKS DIVISION

CITY CLASSIC

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

ORCOLLO

SHY

VAN BOENING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with