7 MisOr boxers susuntok sa finals

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines - Pitong tiket ang sinuntok ng Misamis Oriental sa gold medal round matapos talunin ang kanilang mga ka­laban sa semifinal round ng 2010 PLDT-Amateur Bo­xing Association of the Philippines (ABAP) Natio­nal Championships dito sa Mi­samis Oriental Provincial Ca­pitol Garden.

Pitong MisOr fighters pa ang nagtatangka nga­yong makapasok sa gold medal round.

Tanging si Remar Me­tu­da sa Jr. Bantamweight category ang natalo sa koponan ng MisOr matapos makatikim ng 4-10 decision sa kababayang si MisOr fighter Freddie Basadre, ng Gin­go-og City.

Ang iba pang nagwagi sa kanilang mga laban ay sina Reynold Lao (School Boys 36kgs), Markguil Sal­vaña (School Boys 44kgs), Samboy Lao (Jr. Boys 46kgs), Reymark Casas (Jr. Boys flyweight), Rufino Sumaylo (Youth Boys) 46kgs), Daryl Basadre (Youth Boys flyweight) at Janice Vallares (Youth Girls featherweight).

Nawala kay Basadre ang isang 8-1 lead at nakabangon mula sa naipataw sa kanyang two deductions at isang final round barrage ni Nico Magliquian ng Kabaka-Manila sa Youth Boys flyweight bago natapos ang laban sa 9-9.

Ngunit dahil sa mas ma­gandang ipinakita ni Basadre kumpara kay Mag­liquian, nabigyan ang una ng 23-21 puntos sa jury’s tally.

Show comments