^

PSN Palaro

Bitoon, Barbosa kumikikig pa sa ASEAN Open chessfest

-

MANILA, Philippines - Tinalo ni Khanty-Mansiysk Olympiad veteran IM Richard Bitoon si FM Ngu­yen Duc Hoa ng Vietnam para umakyat sa second hanggang sixth places sa first ASEAN Open chess championships sa Stanfield Residences sa Singapore.

Si Bitoon, seeded sixth sa 32-player field, ay naglaro nang walang nerbiyos sa puting piyesa upang igupo si Hoa.

Itinaas ni Bitoon ang kan­yang rekord sa 3.0 points galing sa dalawang panalo at dalawang draw sa torneong bahagi ng an­­nual seventh Singapore International Chess Festi­val.

Nauwi naman sa draw ang laro nina IM Oliver Bar­­bosa at third seed GM Su­santo Megaranto ng In­donesia.

May 3.0 points rin si Barbosa kagaya ni Bitoon sa ilalim ni top seed GM Zu­rab Azmaiparashvili ng Georgia patungo sa fifth round.

Binigo naman ni Azmai­parashvili, naglalaro para sa Singapore, si GM John Paul Gomez para sa kanyang 3.5 points mula sa tatl­ong panalo at isang draw.

Katabla nina Bitoon at Barbosa sa second hanggang sixth places sina GM Dao Thien Hai at IM Ngu­yen Van Huy ng Vietnam at Megaranto.

Binigo naman ni Reggie Olay si Agusta Laksa-na ng Indonesia, habang nakipag-draw si Nelson Mariano III kay GM Jayson Gonzales para sa kanilang 2.5 points.

Taglay ni Gonzales, head coach rin ng UAAP champion Far Eastern University, ang dalawang puntos upang banderahan ang grupo ng may tig-2 puntos na kinabibilangan nina Ce­bu sensation Kim Steven Yap, Merben Roque at Singa­pore-based Filipino Enrique Paciencia.

Samantala, piniga ni FEU standout Rulp Ylem si Zerle Cheng ng Singapore upang iangat ang kan­yang iskor sa 2 puntos sa women’s division.

Gayunpaman, ang pa­nalong ito ni Ylem ay na­tabunan ng kabiguan nang ang tatlong Pinay na sina--Beverly Mendoza ay natalo kay Nguyen Thi Hung ng Vietnam, Jenny Rose na yumuko kay Jslin Tay ng Singapore at Jedara Docena na nabigo kay Hoang Thi Nuh ng Vietnam.

AGUSTA LAKSA

BARBOSA

BEVERLY MENDOZA

BINIGO

BITOON

DAO THIEN HAI

DUC HOA

FAR EASTERN UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with