^

PSN Palaro

Top 10 Sports Stories Ng 2010:Si Pacquiao pa rin ang pinakamaningning na Atleta ng Pinas

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ang dominanteng pag­­ka­panalo ni Manny Pac­quiao kay Antonio Marga­rito para maibulsa ang ikawalong world title ang siyang pinakamalaking ba­lita na bumandera sa mundo ng palakasan sa taong 2010.

Inasahang makakapag­bigay ng magandang laban ang mas malaking si Mar­garito, pinatahimik ang Mexican fighter ng mga malulutong na suntok ni Pacman tungo sa unanimous decision na tagum­pay noong Nobyembre 13 sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas.

Ito ang ikalawang panalo sa taong ito ng Pam­ban­s­ang kamao matapos daigin si Joshua Clottey sa isa ring unanimous de­cision noong Marso. Pero makasaysayan ang panalo kay Margarito dahil nasungkit din ni Pacquiao ang bakanteng WBC light middleweight title.

Ang pagkapasok ng national football team na tinaguriang Azkal sa semifinals ng AFF Suzuki Cup ang isa rin sa malaking ba­lita na bumulaga sa taong ito.

Tinalo nga ng koponan ang nagdedepensang kam­peon na Vietnam, 2-0, bago tumabla sa Myanmar at Singapore upang marating ang semifinals sa unang pagkakataon sa 14 na taong pagsali sa na­sabing kompetisyon.

Dahil sa pangyayari, nalagay ang national boo­ters bilang isa sa top 10 stories ng Sports Illustra­ted dahil ang panalo ang pinakamalaking upset sa ka­saysayan ng Suzuki Cup.

Ang pagkakaluklok ni Francisco “Django” Bustamante bilang World Pool Association (WPA) number one player ng taon ang isa pang nagpakinang sa palakasan ng bansa.

Nakuha ito ng 46-anyos na si Bustamante nang ma­nalo sa World 9-ball championship sa Doha, Qatar noong Hulyo matapos hiritan ng 13-7 panalo si Kuo Po-cheng ng Chinese Taipei.

Sina Rey Saludar, Dennis Orcollo at Engelberto “Biboy” Rivera ay kuminang sa Asian Games sa Guangzhou, China nang manalo ng ginto upang ma­bigyan ningning ang sana’y masamang kampanya ng Pambansang delegasyon.

Si Saludar nga ang lu­ma­bas na pinakamasaya dahil nakakuha siya ng P4 milyong insentibo sa tagumpay sa kada apat na taong torneo.     

Bago naman ang ginto sa Asian Games, nanalo muna ng bronze medal si Rivera sa World Bowling Cup para maipakita na tunay na siyang maaasahan ng bansa sa larong ito.

Gumawa rin ng kasaysayan ang women’s basketball team nang talunin ang Thailand at makopo ang kauna-unahang SEABA Women’s Basketball title na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang mga under-18 young men’s team sa patnubay ni Eric Altamirano ay nagkampeon din sa SEABA na ginanap naman sa Myanmar.

Hindi rin nagpahuli ang Philippine Patriots nang hi­ranging kampeon sa ka­una-unahang ASEAN Bas­ketball League (ABL) matapos walisin ang best- of-five title series nila ng Satria Muda BritAma ng Indonesia.

Pinatunayan din uli ni Lily Pecante na isa siya sa pinakamahusay sa power­l­ifting sa mundo matapos manalo ng ginto sa World Masters Benchpress Cham­pionships sa Orlando noong Abril at umani rin ng apat na ginto sa Asian Championships sa Mongolia noong Mayo.

Dahil sa apat na gintong napanalunan, lumabas si Pecante bilang Best Lifter sa women’s Master I.

May mga masamang ba­lita rin ang nakisalo sa taong ito at kasama rito ang pagkakahubad ng mga world titles sa boxing nina Rodel Mayol at Brian Viloria.

Naging kontrobersyal din ang national dragon boat teams nang matapos maipasa ang time trials ay hindi pa rin naisama sa Asian Games ng Philippine Olympic Committee.

Inaasahang hahakot ang koponan ng medalya lalo nga’t ang men’s team ang kasalukuyang world champion at record holder sa 200m distance.

Tampok naman na ma­samang balita ay ang di pagpasok ng Gilas natio­nal team sa semifinals sa Guangzhou Games.

Kahit pinondohan ng husto at nagsanay ng halos isa’t kalahating taon, ang koponang hawak ni Serbian coach Rajko Toroman ay tumapos lamang sa ikaanim na puwesto sa Asiad na huling nangyari noon pang 1966 edisyon sa Bangkok, Thailand.

ANTONIO MARGA

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

BEST LIFTER

BRIAN VILORIA

BUSTAMANTE

CHINESE TAIPEI

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with