Mosley nagyayabang agad, tatalunin si Pacquiao via KO

MANILA, Philippines - Isang knockout win ang nakikita ni Sugar Shane Mosley na kanyang makukuha kay Manny Pacquiao sa kanilang pagtutuos sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sina Mosley at Pacquiao ang magkakatapat sa unang laban ng Pam­bansang kamao at ide­depensa ng pambato ng bansa ang hawak na WBO welterweight division.

“Manny’s going to come forward and I wil hit him on the chin at some point. His defense is not like Floyd (Mayweather Jr). Manny will come at me and I will knock him out,” matikas na inihayag ni Mosley sa ESPN.com.

Pitong taon ang agwat ng edad nina Pacquiao at ng 39 anyos na si Mosley pero iniyabang nito na tag­lay pa rin niya ang bilis at lakas sa magkabilang ka­mao.

Ipinunto ni Mosley na na­saktan niya si Maywea­ther nang nagkaharap sila noong Mayo at natalo si Mos­ley sa pamamagitan ng unanimous decision.

“I hurt Floyd in our fight, but he’s a great fighter and has a great defense,” dagdag pa nito.

May 46 panalo sa 54 la­ban kasama ang 39 KO si Mosley pero papasok siya sa di kumbinsidong split de­cision na panalo laban kay Sergio Mora.

Maliban kay Mosley, pinagpilian din sina Juan Ma­nuel Marquez at Andre Berto para sa unang laban ni Pacquiao at napili si Mosley dahil naniniwala si Top Rank Promoter Bob Arum na may hatak sa ma­nonood ang nasabing bok­singero bukod pa sa pa­niniwalang kaya niyang big­yan ng problema si Pacquiao.

“We came to a mee­ting of the minds. I thought Mosley was the best draw of the three and it would do the best business,” wika ni Arum.

Huling laban ni Pac­quiao ay noong Nobyembre 14 at tinalo niya ang mas malaking si Antonio Mar­garito sa pamamagitan ng unanimous decision pa­ra makuha ang bakanteng WBC junior middleweight division.

Si Margarito ay kinaha­rap na rin ni Mosley at nahiritan ng US boxer ng ninth round TKO ang Mexican boxer noong Enero 24, 20­09.

“With Floyd, Shane had him in real bad trouble in the second round so he’s capable of doing a really good fight with Manny and Manny knows that. Shane knows how to fight and how to deal with the speed. Manny is in for a Hellacious fight. I really believe styles make fights,” wika naman ni Arum.

Halagang $5 milyon ang premyong tiyak nang hahawakan ni Mosley pero ta­taas pa ito dahil sa porsiyentong makukuha sa kita sa Pay-Per-View.

Show comments