^

PSN Palaro

Christmas bonus ng mga atleta, coaches ipinamahagi na ng PSC

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines –  Siyam na araw bago ang Pasko ay natanggap na ng mga national athletes at coaches ang maaga ni­lang ‘aguinaldo’ mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ipinamahagi na kaha­pon ni PSC chairman Ri­chie Garcia sa 578 national athle­tes at 138 national coaches ang kanilang Christ­mas bonus na nagkakahalaga ng P3,000.

Kabuuang P2.148 mil­yon ang inilabas ng sports commission para sa ‘aguinaldo’ sa mga athletes at coaches.

Ang P1.734 milyon sa naturang pondo ay para sa mga athletes, samantalang ang P414,000 ay para sa mga coaches. Ito ay idinaan ng PSC sa pamamagitan ng automated teller machine (ATM) accounts.

“Our athletes deserve more than this. They have represented our country well,” wika ni Garcia.

Bago ito, ibinigay ng PSC ang cash incentives sa mga national athletes na nag-uwi ng 3 gold, 6 silver at 9 bronze medals sa nakaraang 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Kasama rin dito ang insentibo para sa kani-kanilang mga coaches.

Umabot sa P9.5 milyon ang iniluwal ng komisyon para sa naturang cash incentives kung saan ang P6.4 milyon ay napunta sa mga athletes at ang P3.1 milyon ay tinanggap ng mga coaches mula sa Philippine Gaming Corp. (PAGCOR).

Sina boxer Rey Saludar, bowler Biboy Rivera at cue artist Dennis Orcollo ay tumanggap ng tig-P1 mil­yon para sa naiuwi nilang tatlong gintong medalya mula sa 2010 Guangzhou Asiad noong Nobyembre.

Ang silver at bronze me­dal sa Asian Games ay nagkakahalaga ng P500,000 at P100,000, ayon sa pagkakasunod.

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

DENNIS ORCOLLO

GARCIA

GUANGZHOU ASIAD

PHILIPPINE GAMING CORP

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REY SALUDAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with