Phl Azkals pakay ang panalo vs Indons sa Zusuki semis ngayon

MANILA, Philippines - Ang Philippine team laban sa buong ‘soccer-crazy Indonesian nation’.

Lalabanan ng mga Azkals ang mga Indons sa una sa dalawang semifinal legs ng AFF Suzuki Cup ngayong alas-8 ng gabi sa Bung Karno Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Inaasahang mapupuno ng mga Indonesian football fans ang naturang 80,000-seat stadium.

Nakuha ng Indonesia ang dalawang semifinal legs ng Suzuki Cup dahil na rin sa pagtanggi ng nasibak na si Philippine Football Fe­deration president Jose Mari Maritinez na gawin sa Pilipinas ang isa rito.

Sinabi ni Martinez na walang kumpletong pasilidad ang bansa na makakapasa sa Asean Football Federation standards.   

Nakatakda ang second leg sa Linggo sa nasabi ring venue.

Bago makapasok sa se­mis kontra Indonesia, tinalo muna ng Azkals ang nagdedepensang Vietnam, 2-0, sa Hanoi.

Ang mga Azkals ay binu­buo nina Robin Gier, Phil Younghusband, Ray Jonnson, Anton del Rosario, team captain Aly Bor­romeo at Filipino-British goalie at Fulham mainstay Neil Etheridge.

Show comments