^

PSN Palaro

Mosley vs Pacquiao?

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Hindi nagmamadali si Manny Pacquiao para sa gusto niyang maging kalaban kahit na isang malapit sa kanya ang nagsabing si Sugar Shane Mosley na ang sasagupa sa Filipino superstar sa May 7, 2011 sa Las Vegas.

“Wala pa,” wika ni Pacquiao kamakalawa ng gabi sa isang special, closed-door dinner na kanyang pinamahalaan kasama si Top Rank chief Bob Arum at asa­wang si Lovee sa Red Restaurant sa Shangri-La Makati.

Nasa bansa ang mga Arums kasama sina chief trainer Freddie Roach at world champion Juan Ma­nuel Lopez.

Bibiyahe sila patungong General Santos City bukas para sa grand birthday bash ni Pacquiao.

Isang source ang nagbunyag na si Mosley ang na­ngunguna sa mga kandi­dato para sa susunod na laban ni Pacquiao bukod pa kina Juan Manuel Marquez at Andre Berto.

Ngunit wala pang pinal na desisyon si Pacquiao na nais matiyak na ang lahat ng pipirmahan niya sa contract proposal na isu­sumite sa kanya ni Arum ay gusto niya.

Ang laban ay gagawin sa 147 pound-limit.

Umaasa si Arum na makakapagdesisyon si Pacquiao bago siya bumalik sa United States sa Linggo.

“We need to work on the dates, the schedules, that’s why I wanted him to decide before I fly home,” wika ni Arum.

Ipagdiriwang ni Pacquiao ang kanyang pang 32 kaarawan bukas kung saan halos 1,500 ang inim­bitahan. Matapos ang Pasko, magtutungo ang Congressman ng Sarangani sa Japan at Australia para sa isang ‘long-delayed vacation’ kasama ang kanyang pamilya.

“The fight’s going to happen on May 7 at the MGM Grand in Las Vegas,” wika ni Arum, nauna nang itinakda ang laban sa Abril 16, 2011.

“All the cable guys I’ve talked to said May should be the better date because of this very big WrestleMania event in April (in Georgia). Now it’s May 7, and that gives Manny more time to prepare,” dagdag nito.

ANDRE BERTO

BOB ARUM

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

JUAN MA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

RED RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with