Cone umaasa sa pagbabalik ni Justin Brownlee

MANILA, Philippines — Umaasa pa rin si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na makababalik sa aksyon ang regular import nitong si Justin Brownlee sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
“I don’t want to put any finality on Justin. He’s still battling. There is some hope he might come at the end of the month. At least just to come. He’s still very much part of Gilas as well as a part of Ginebra,” ani Cone.
Nagpapagaling pa si Brownlee sa Amerika dahil sa problema nito sa kanyang puso.
Dahil dito, hindi nakapaglaro si Brownlee sa FIBA World Cup Asian Qualifiers gayundin sa Asian Games na ginanap sa Nagoya, Japan.
Sa kabila nito, umaasa si Cone na makakabalik pa sa paglalaro si Brownlee sa kumperensiyang ito ng PBA.
Hindi lang sa PBA kundi sa nakatakdang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre.
Gayunpaman, wala pa itong kalinawan dahil kailangan pa ni Brownlee ng medical clearance para makapaglaro na ito.
Maliban sa heart problem, may iniinda rin itong hamstring at knee injuries.
“It is not hard to understand how much we owe to Justin through years as an organization, for me as a coach, he has done so much,” ani Cone.
Habang wala si Brownlee, umaasa ang Ginebra kay Jordan Murphy na kasalukuyang import ng team.
“At the moment, Jordan is doing the job for us. So it’s kind of like ‘Love The One You’re With’ at this point. But basically, Jordan is the one here at the moment, so we’re going to lock in and focus on Jordan,” ani Cone.
- Latest
















