^

PSN Palaro

Phl Patriots pipiliting makabalik sa porma vs Indonesians sa Jakarta

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Maipakitang may kakayahan pa rin ang Philippine Pa­triots na madepensahan ang ASEAN Basketball League (ABL) title sa Season ang gagawin ng koponan sa pagdayo sa Jakarta upang harapin sa ikalawang pag­ka­kataon ang Satria Muda BirtAma sa Indonesia.

Ganap na alas-6 ng gabi itinakda ang sagupaan na kung saan pakay ng bisitang Patriots na mawakasan ang da­lawang dikit na kabiguan na tinamo ng koponan.          

Matapos mapahiya sa Chang Thailand Slammers, 68-69, nabigo uli ang nagdedepensang koponan sa West­ports KL Dragons, 81-96, upang malaglag sa 6-3 karta.

Sisikapin ng Patriots na mapigilan ang pagkakalapag sa 0-3 karta sa pagbangga sa Indonesian team na tinalo ng Pilipinas sa ABL Series One at may pinakamasamang 2-8 record.

Hindi magagamit ng Patriots ang serbisyo ni 6’10 import Donald Little kaya’t iaasa ng koponang pag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco ang kam­panya sa ibang players sa pangunguna ni 6’3 Rashiem Wright na nagpasabog ng 31 puntos sa huling nabigong tagisan

Solo sa liderato ang Chang Thailand Slammers sa 7-2 karta habang ang Pilipinas ang nasa ikalawang pu­westo sa 6-3 karta.

Ang Dragons ay nakasunod sa 5-4 karta kasama ng Singapore Slingers bago sundan ng Brunei (3-7) at BritAma (2-8).

Ang mangungunang apat na koponan matapos ang triple round elimination ang uusad sa cross over se­mifinals na isang best-of-three series.

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

DONALD LITTLE

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE PA

PILIPINAS

RASHIEM WRIGHT

SATRIA MUDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with