National Inter-Cities chessfest sa Dagupan
MANILA, Philippines – Inaasahang makikipagpigaan ng utak ang mga matitikas na manlalaro ng bansa sa 2010 National Inter-Cities and Municipalities rapid team championship na nakatakda sa Disyembre 8 sa People’s Astrodome sa Dagupan City.
Inilunsad ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kooperasyon ng Dagupan City government, nakalaan sa dalawang araw na kompetisyon ang tropeo at cash prizes para sa mananalong manlalaro at koponan.
Inimbitahan sina NCFP president/chairman Prospero “Butch” Pichay at NCFP secretary-general and Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino na personal na dumalo sa opening ceremony ng naturang annual team tournament.
Si Pichay rin ang inaasahang magsasagawa ng ceremonial moves kasama sina Dagupan City Mayor Benjamin S. Lim at city administrator Vladimir Mata.
Ang mga kalahok na koponan ay kailangang may average rating na 2050 kada team at isang manlalaro lamang ang titulado (GM, IM, FM at NM) ang papayagan kada koponan makalaro.
- Latest
- Trending