Wang's vs Hobe sa MBL title

MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahi­walay na panalo ang nag­de­depensang Wang’s Ball­club at elimination round top­notcher Hobe Bihon pa­ra itakda ang kanilang winner-take-all title showdown sa 2010 MBL Invita­tional basketball tournament sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Bumangon ang Wang’s Ballclub mula sa ilang double-digit deficits para tatlu­nin ang Royale Business Club, 94-92, habang binigo naman ng Hobe Bihon ang Star Group of Publications, 99-90, sa season-ending tour­nament na itinataguyod ng Smart Communications, Dickies Underwear, WG Diners at PRC Courier Ser­vices.

Humakot sina dating Adamson University gunner Jerry Orera at ex-PBA star Biboy Simon ng pinagsamang 63 points para sa Mandaluyong-based team nina coach Pablo Lucas at manager Macky Vilarta.

Umiskor si Orera ng ga­me-high 32 points, kasama rito ang 11 points sa 19-0 run ng Wang’s sa third quarter na nagbigay sa kanila ng 63-55 abante mula sa 44-55 halftime deficit.

Nagdagdag naman si Simon ng 31 points.

Nagdagdag si Ryan Regalado ng 13 points, tam­pok ang back-to-back three pointers sa huling da­lawang minuto para sa 90-84 lamang ng Wang’s.

Show comments