Suns 'di sumikat sa Magic

ORLANDO, Fla. - Da­hil sa kanyang groin injury, pinanood na lamang ni point guard Steve Nash na matalo ang kanyang Phoe­nix Suns.

Sinamantala naman ito ni Jameer Nelson matapos magtala ng 15 points at season-high 12 assists pa­­ra tulungan ang Orlando Magic sa 105-89 paggupo sa Suns.

Nadagdag si Dwight Howard ng 20 points at 12 rebounds para sa Ma­gic, habang may 15 points na­man si Quentin Ri­chard­son.

Nagtayo ang Magic ng isang 32-point lead laban sa Suns patungo sa kani­lang ikatlong sunod na rat­sada.

Nagposte si backup point guard Goran Dragic ng 10 points, 4 assists at 4 rebounds para sa Pheonix.

Sa Portland, Oregon, umahon ang Portland sa second half upang itakas ang 86-83 panalo laban sa Denver Nuggets.

Tumapos si LaMarcus Aldridge ng 24 puntos at nagdagdag naman si Wesley Matthews ng 20 puntos para sa Blazers.

Sa Indianapolis, umis­kor si Danny Granger ng 22 puntos at natabunan ng kulang sa taong Indiana ang mabagal na Los Angeles Clippers, 107-80.

Show comments