^

PSN Palaro

Urine test ipipilit ni Roach kay Margarito

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bago pa ang kanilang salpukan ay may sinasabing drama na nangyari sa dressing room nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito sa Cowboys Stadioum sa Arlington, Texas.

Ilan rito ay ang kagustu­han ni trainer Freddie Roach na pilitin ang kampo ni Margarito na tanggalin ang balbas ng Mexican fighter.

Ngunit sinabi ni Pacquiao na mas magiging ma­dali para sa kanyang pun­tiryahin ang mukha ni Margarito kapag may bal­bas ito.

Isang taping-related issue naman ang lumitaw ma­tapos iparamdam ni trai-ner Robert Garcia na ulitin ang paglalagay ng tape sa mga kamao ni Pacquiao sa hindi malamang dahilan.

At ang huli ay ang ale­gas­yon ni Roach na gu­ma­gamit si Margarito ng Ephedra, isang banned sti­­mulant.

Ayon sa isang miyembro ng team Pacquiao, na­huli ni Billy Keane ang Mexican na naghahanda ng isang inumin na may ha­long illegal substance na nakalagay sa isang maliit na bote.

“The Pacquiao camp protested and words were exchanged. So we called in the commission,” wika ni Bob Arum matapos ang la­ban.

Si Keane ay nasa dres­sing room upang panoorin ang ginagawang pagbabalot ng tape sa mga kamay ni Margarito.

At dahil sa pangyayari, posibleng ipilit ni Roach sa kam­po ni Margarito ang su­mailalim ang boxer sa urinalysis na ma­a­aring gawin matapos ang laban.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BILLY KEANE

BOB ARUM

COWBOYS STADIOUM

FREDDIE ROACH

MARGARITO

PACQUIAO

ROBERT GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with