Huling outright semis kukunin na ng Wang's
MANILA, Philippines - Puntirya ngayong araw ng defending champion Wang’s Ballclub ang ikalawa at huling outright semis berth sa pakikipagsagupa sa Royale Business Club sa 2001 MBL Invitational basketball championship sa RTU gym sa Mandaluyong City.
Nakatakda ang kanilang sagupaan sa alas-8:30 ng gabi matapos ang banatan sa pagitan ng Rizal Technological University at ng Air Force sa alas-7 ng gabi sa unang laro.
Kailangan na lamang ng Mandaluyong-based dribblers na maipanalo ang laro ngayon laban sa Royale BC upang umusad sa semis kasama ang lider na Hobe Bihon (7-1).
Taglay ng Wang’s ang solo 2nd place sa kanilang 5-2 kartada sa tournament na ito na hatid ng Smart Communications, Dickies Underwear, WG Diner at PRC Courier Services.
- Latest
- Trending
























