Johnson napuwersa sa panalo ng Patriots vs Thais
MANILA, Philippines – Nagbayad ang Philippine Patriots nang palaruin ng mahabang minuto ang import na si Anthony Johnson sa naitalang 54-48 tagumpay sa Chang Thailand Slammers noong nakaraang Sabado sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season II.
Ang 6’6 import na si Johnson na siyang kumana nang husto sa mahalagang yugto ng labanan para maipagkaloob sa nagdedepensang kampeon ang 4-0 karta, ay pinangangambahan na na-re-injured uli ang right hamstring matapos paglaruin ng 30 minutos.
“Naramdaman niya ang sakit matapos ang laro. Ngayon ay ipinatitingin namin siya kay Dr. Raul Canlas at malalaman natin kung kailangan ba niya itong ipahinga uli,” wika ni coach Louie Alas.
Maghaharap sa darating na Sabado ang Satria Muda BritAma ng Indonesia na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tinalo ng Patriots and BritAma sa finals gamit ang 3-0 sweep at napapaboran silang manalo sa unang pagkikita dahil sa 1-3 karta ng Indonesian team.
Kumpiyansa naman si Alas na mananalo pa rin ang koponan kahit hindi maglaro si Johnson dahil sa sariling tahanan gagawin ang tunggalian.
Bukod pa ito sa magandang inilalaro ni 6’10 Donald Little na tinulungan ang Patriots na manalo sa Singapore Slingers at Brunei Barracudas kahit wala si Johnson sa koponan.
Pakay ng koponangpag-aari nina Mikee Romero at Tony Boy Cojuangco na maipagpatuloy ang pagdodomina sa liga sa ikalawang sunod na taon.
- Latest
- Trending