^

PSN Palaro

Salcedo, Nanola wagi sa Shell Active chessfest

-

MANILA, Philippines - Nagposte sina Richelieu Salcedo at Christian Nanola ng mga krusyal na panalo upang pagharian ang kani-kanilang dibisyon sa pagta­tapos ng Shell National Youth Active Chess Championship grand finals sa SM Megamall Event Center no­ong Linggo.

Sinorpresa ng No. 5 na si Salcedo, na nagwagi sa Naga City leg ng taunang torneo na itinataguyod ng Pilipinas Shell, si No. 4 Mc­Do­minique Lagula sa ikaanim na round, tinabla­han si second seed Sheider Nebato at pinisak ang da­ting lider na Jerwell Andoy at Antonio Chavez Jr. para sa kabuuang pitong puntos.

Bumawi si Andoy sa pagkatalo niya kay Salcedo ng pabagsakin niya si Diego Pe­rez para tumabla sa li­de­rato sa pagtatapos ng si­yam na round na torneo. Pero nagtala ng mas mataas na tiebreak score si Salcedo upang makuha ang titulo at P30,000 na premyo sa juniors division.

Nabigo din si Nebato na magposte ng pitong puntos ng talunin siya ni Joseph Turqueza sa huling round pero nakuha niya din ang ikatlong pwesto ng talunin niya sina Alfred Rapanot at Turqueza sa tiebreak.

Ang No. 11 na si Nanola naman ay in-upset si No. 7 Felix Balbona sa ika-anim na round, tinablahan si se­cond seed John Batucan at pinataob ang No. 3 na si Paul Evangelista bago puwer­sahin sa isang draw ang top seed na si Jerad Docena upang maging solo winner ng may pitong puntos sa kiddies division.

Nag-uwi si Nanola, ang pambato ng Laguna College of Business and Arts na pumangatlo lang sa Batangas City elims, ng P20,000 at nahanay sa mga kampeon ng torneo na kinabibilangan ng mga pambato ng bansa ngayon na pinangunguna­han ni GM Wesley So.

ALFRED RAPANOT

ANTONIO CHAVEZ JR.

BATANGAS CITY

CHRISTIAN NANOLA

DIEGO PE

FELIX BALBONA

JERAD DOCENA

JERWELL ANDOY

SALCEDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with