^

PSN Palaro

Posadas, Rivera kumakasa pa sa BWC

-

MANILA, Philippines - Matapos ang 16 ga­mes, nananatili pa rin sa kon­tensyon sina Biboy Ri­vera at Apple Posadas sa 46th Qubica AMF Bowling World Cup dito sa Toulon, France.

Nagpagulong si Rivera ng 3492 pinfalls sa final six games ng elimination round para umakyat sa sixth place sa 24-man cut.

Nagtala si Rivera ng 246, 168, 225, 238, 205 at 236 para sa kanyang 218 pins sa likod ni elims top­notcher John Szczerbinski ng United States.

Nahulog naman si Posa­das sa No. 5 sa wo­men’s side matapos magposte ng 199, 232, 245, 167 at 221 para sa kabuuang 3400 pin­falls, 156 pins ang layo kay pacesetting Gye Min-Young ng South Korea.

“The weather is getting colder every day. It started from 15 to 18 degrees Celsius, and it’s now eight to 10 degrees,” wika ni Rivera sa isang e-mail sa The STAR ang sister-publication ng pahayagang ito.

Luma na rin ang bow­ling facility ng Bowling de Provence.

“It also depended on the squad I was bowling in. I struggled in the morning and it felt like a totally different pattern. The squads in the afternoon get much higher scores. The pattern is 42 feet but most of the bowlers here feel it’s shorter,” ani Rivera.

Matatandaan na nasikwat ni Paeng Nepomuceno ang kanyang ikatlong champion’s cup sa pagposte ng record-breaking na apat na World Cup titles noong 1992 na idinaos sa Le Man’s, France.

At ang pagtapyas ng mga kalahok sa 24 manlalaro kada division, patuloy pa rin na umaasa sina Posadas at Rivera na ma­kakasama sa top eight tungo sa quarterfinals bago sasampa sa semis at final stepladder matches.

At ang orihinal na itinakdang qualifying games na 20 games ay ibinaba sa 16 games na lamang ma­­tapos na magkaroon ng problema sa bubungan ng Bowling de Provence nitong Martes.

APPLE POSADAS

BIBOY RI

BOWLING WORLD CUP

GYE MIN-YOUNG

JOHN SZCZERBINSKI

LE MAN

PAENG NEPOMUCENO

RIVERA

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with