^

PSN Palaro

2nd QCIM inilatag sa Disyembre 5

-

MANILA, Philippines - Ang inaabangang running event ay mangyayari sa Quezon City sa Disyembre 5.

Nasa kanilang ikalawang sunod na taon, ang Quezon City International Marathon ay inorganisa ng Executive Runners Club of the Philippines (RUNNEX) at suportado nina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Ang mga recreational, professional at beginner run­ners ang maglalaban sa 5km, 10km, 21km at 42km event.

Ang pagpapatala ay nagsimula noong Oktubre 4 at magsasara sa Nob­yem­bre 7 sa mga registration si­tes sa R.O.X. Bonifacio High Street, Chris Sports outlets, Secondwind sa Ortigas, Quezon City Hall at sa RUNNEX office sa Rm. 304 Bahay ng Alumni sa UP Diliman.

Ang registration fees ay nagkakahalaga ng P650 pa­ra sa 42km, P500 para sa 21km at P350 para sa 5km at 10 km distance.

Ipapamahagi ang mga race kits sa Nobyembre 27 at 28 sa Bahay ng Alumni, University of the Philippi­nes, Diliman. 

Ang finisher’s medal ay ibibigay sa mga partisipante na tatawid sa 42km at 21km finish line.

BONIFACIO HIGH STREET

CHRIS SPORTS

DILIMAN

EXECUTIVE RUNNERS CLUB OF THE PHILIPPINES

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY INTERNATIONAL MARATHON

UNIVERSITY OF THE PHILIPPI

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with