^

PSN Palaro

Saludat susuntok sa Semis

-

Tampere, Finland--Pinalakas ng PLDT-ABAP Na­tional Boxing Team ang kanilang kampanya sa quarterfinal round ng 31st Tammer Cup matapos umiskor ng panalo si flyweight Rey Saludar dito sa Pyynikin Palloiluhallis sa Sports Hall.

Binigo ni Saludar si Ah­med Al Mesmari sa 1:39 sa first round kung saan nabigyan ng tatlong stan­ding 8-count ang huli.

Nakipagsabayan si Mesmari kay Saludar ngu­nit hindi siya umubra sa lakas ng Filipino army man.

Makakasabayan ni Saludar sa semis si Declan Gar­raghty.

Samantala, tinalo naman ni top Filipino bet Charly Suarez si Russian Ana­toly Borkeev, 2-1, sa 56 kg division.

“I felt I could beat him if I didn’t lose my focus. It was a game of endurance and he blinked at least twice”, wika ng 22-anyos na tubong Davao na si Suarez sa kanyang panalo.

Makakatapat naman ni Suarez sa semifinals si Petteri Fjordholm ng Finland.

Sa isa pang laban, igi­nupo ni light welterweight Delfin Boholst si James Eas­ton ng Scotland, 4-1, para makalaban sa semis si Jarkko Potkonen ng Finland na nagpatalsik kay Hassan Amzile ng France, 2-1.

Kinuha ng pambato ng Gingoog City ang 2-0 lamang sa first round bago nakalapit si Easton sa se­cond round, 1-2.

Makakatapat naman ni Victorio Saludar si Artem Ivaschenko ng Russia, kumuha ng 3-2 panalo kay Hungarian Robert Kanalas, sa semis.

Ang naturang biyahe sa Finland ay huling bahagi na ng “Road to Asian Games” blueprint nina ABAP president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan ng telecommunications giant PLDT.

AL MESMARI

ARTEM IVASCHENKO

ASIAN GAMES

BOXING TEAM

CHARLY SUAREZ

DECLAN GAR

DELFIN BOHOLST

GINGOOG CITY

HASSAN AMZILE

SALUDAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with