^

PSN Palaro

Pacquiao KO sa 11th round - Margarito

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bukod sa matinding aksyon, isang bagay na maa­aring asahan sa pagkikita nina Manny Pacquiao at An­tonio Margarito sa Nobyembre 13 ay ang posibleng knockout win.

Suportado ni Margarito ang mga pahayag ng trainer niyang si Robert Garcia na matutulog si Pacquiao sa 11th round sa kanilang tagisan para sa bakanteng WBC junior middleweight title sa Cowboy’s Stadium sa Texas.

“It could be an uppercut, right hand or body shots. Whatever I get him with,” pahayag ng may kumpiyansang si Margarito sa pamamagitan ng interpreter sa pa­nayam ng Boxing Fanhouse.

Mataas ang tiwala ni Margarito dahil ito na umano ang pinakamagandang training camp na ginawa niya sa isang laban.

Siya ay nagsasanay sa Boxing Academy sa Oxnard, California at sa unang pagkakataon ay hahawakan siya ni Garcia na trainer din ng mga Filipino boxing champion na sina Brian Viloria at Nonito Donaire Jr.

“Garcia is a good trainer. I feel better than never. Better than when I first won a title. Better that when I beat Cotto. I’m happy with my training,” dagdag nito.

“His focus in his training. He wants to win against Pacquiao to prove everybody wrong,” wika naman ni Garcia na tinutukoy ang pagkakasuspindi nito sa loob ng isang taon dala ng pagkakatuklas ng ilegal na kemikal sa balot ng kamay sa natalong laban kay Sugar Shane Mosley noong 2009.

Gaya ni Margarito ay masinsinan na rin ang pagsasanay ni Pacquiao ngunit di tulad ng kalaban ay na­pupuno ito ng kontrobersya dahil sa pagliban sa pagsasanay at pagbibigay ng panahon sa paglalaro ng basketball.

Mismong si conditioning coach Alex Ariza nga ang nagsabing wala pa sa tamang kondisyon si Pacquiao pero wala pang dapat na ipag-alala dahil mahaba pa ang panahon bago ang takdang laban.

Si Ariza nga ang nangasiwa sa pagsasanay sa oval ni Pacquiao nitong Lunes at kinagabihan nga ay umakyat na ng Baguio para ipagpatuloy ang sparring sessions.

Ang mga bagay na ito ang siyang pinaniniwalaan naman ni Margarito na nagbibigay duda kahit na sa Team Pacquiao na kaya nitong manalo sa kanya.

 “Roach is scared right now. He’s scared that we will be Manny Pacquiao,” tila pang-iinis pa ni Margarito.

vuukle comment

ALEX ARIZA

BOXING ACADEMY

BOXING FANHOUSE

BRIAN VILORIA

GARCIA

MARGARITO

NONITO DONAIRE JR.

PACQUIAO

ROBERT GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with