^

PSN Palaro

Ateneo, UST namayani sa 73rd UAAP judo

-

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Ateneo De Manila University ang kanilang ‘three-peat’ sa men’s division, habang inagawan naman ng korona ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines sa women’s division sa 73rd UAAP judo tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sumipa ang mga Blue Eagles ng tatlo sa apat na gin­tong medalyang nakalatag sa final day para angkinin ang kanilang ikatlong sunod na korona sa men’s class sa bisa ng kanilang 57 points kasunod ang UST Tigers (39) at La Salle Green Archers (24).

Tinapos naman ng Tigresses ang four-year reign ng Lady Maroons galing sa kanilang 42-point tally kumpara sa 35 ng huli sa women’s category.

Isang all-ADMU finale ang nangyari sa extra-lightweight division na pinagharian ni Jhonel Faelnar, habang si Chris Velasco ang nagdomina sa half-lightweight at si Angelo Gumila sa half-middleweight.

Sa kabuuan, apat na gold, tatlong silver at isang bron­ze medals ang ibinulsa ng Ateneo kasunod ang UST (3-1-2).

“The three-peat was all part of the plan,” wika ni Blue Eagles’ coach Ali Sulit.

ALI SULIT

ANGELO GUMILA

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

CHRIS VELASCO

JHONEL FAELNAR

LA SALLE GREEN ARCHERS

LADY MAROONS

SAN JUAN

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with