^

PSN Palaro

Ikalawang finals seat pag-aagawan ng SSC Stags at JRU Heavy Bombers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Isang nagdedepensang kampeon laban sa isang koponang huling umabante sa isang championship series noong 2008.

Magtatagpo ang nagtatanggol sa titulong San Sebastian College-Recoletos at Jose Rizal University ngayong alas-2 ng hapon sa stepladder phase semifinals ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo sa labanan ng No. 2 San Sebastian at No. 3 Jose Rizal ang siyang makakaharap ng No. 1 San Beda College sa isang best-of-five championship series.

May 1-0 abante na ang Red Lions sa nasabing serye bilang insentibo matapos kunin ang outright finals berth mula sa kanilang 16-game sweep sa elimination round.

Bago makasagupa ang Stags, kinailangan muna ng Heavy Bombers na igupo ang No. 4 Mapua Cardinals, 60-54, noong Miyerkules.

Ipaparada ng San Sebastian sina 6-foot-2 power forward Calvin Abueva, Ronald Pascual, Pamboy Raymundo, Gilbert Bulawan at 6’6 Ian Sarangay.

Muli namang aasahan ng Jose Rizal sina 6’7 Came­roonian import Joe Etame, John Njei, PBA-bound Marvin Hayes, John Lopez at Alex Almario.

“Kailangan talaga namin mag-double ng effort laban sa San Sebastian,” wika ni rookie coach Vergel Meneses sa kanyang Heavy Bombers.

Huling nagkampeon sa NCAA ang Mandaluyong-based cagers noong 1972 sa likod ni Philip Cezar.

ALEX ALMARIO

CALVIN ABUEVA

GILBERT BULAWAN

HEAVY BOMBERS

IAN SARANGAY

JOE ETAME

JOHN LOPEZ

JOHN NJEI

JOSE RIZAL

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with